Karla Estrada Balik Eskwela Matapos Ang Ilang Dekada!


Sabik na sabik ngayon ang mga estudyante na makabalik ng paaralan matapos ang ilang taong pananatili sa bahay dahil na rin sa malawakang pand3miya sa ating bansa. Dahil nga sa opisyal na anunsyo ng DepEd at CHED ay unti-unti ng ipinapatupad ngayon sa ilang paaralan ang “face to face” classes na siya namang ikinatuwa ng mga estudyante at mga magulang. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay talaga namang naghanda sa pagbabalik eskwela at kumpleto ang mga kagamitan tulad nalang ng uniporme at mga school supplies.

Image Source: Karla Estrada | Facebook

Samantala, pinatunayan naman ng aktres na si Karla Estrada na hindi hadlang ang edad o estado sa buhay para muling makabalik sa pag-aaral. Kagaya nga ng ilang estudyante, nananabik rin siyang mag-aral at muling ipagpatuloy ang pag-abot sa kaniyang mga pangarap. Kaya naman, nang makakita ng oportunidad ay agad siyang nag-enroll sa Philippine Christian University at kumuha ng kurso na noon pa niya gustong pag-aralan.

Image Source: Karla Estrada | Facebook

Ang “back-to-school” journey ng celebrity mom ay ibinahagi niya sa mga netizens at makikita sa kaniyang mga social media post ang larawan kung saan suot-suot niya ang jacket ng PCU at masayang naglibot sa buong campus.

Image Source: Karla Estrada | Facebook

Hindi rin nagpahuli ang aktres sa kaniyang mandatory student selfie habang ipinapakita ang kaniyang bagong ID at ID lace na terno sa kaniyang university jacket. Kumpleto rin ang porma ng aktres dahil maliban sa kaniyang uniporme ay nakasuot din ito ng salamin kaya naman estudyanteng-estudyante ang dating.

Image Source: Karla Estrada | Facebook

Naniniwala si Karla sa kahalagahan ng edukasyon kaya naman kahit mahigit 40 years old na ay hindi siya nahihiyang ibahagi ang pagbabalik eskwela. Sa katunayan, dahil nga sa kaniyang ibinahaging kwento ay naging inspirasyon siya sa ating mga kababayan at muling pinatunayan na hindi pa huli ang lahat para maabot natin ang ating mga pangarap.

Image Source: Karla Estrada | Facebook

Samantala, proud na proud kay Karla ang kaniyang mga anak na sina Daniel, Carmela, Margaret at Jose Carlito. Sunod-sunod rin ang mga pagbati na natanggap niya sa mga netizens at mas lalo pa siyang hinangaan ng mga ito hindi lang bilang artista kundi bilang isang indibidwal na nagiging huwaran sa iba.

+ There are no comments

Add yours