
Sa Edad Na 60, Renato Manabat nakapasa sa tatlong Board Exams pati ang mga anak Board Passers din
Sadyang mahalaga ang pagkakaroon ng magandang edukasyon at sa loob nga ng mahabang panahon, ito ang magandang turo na ipinapasa sa atin ng ating mga ninuno. Kung ang ilan nga ay kontento na sa pagtatapos ng kolehiyo, ang ilan ay talaga namang naglalaan pa ng panahon para sa kanilang masteral degrees at paghahanda sa board exams.
Image Source: Darren Anne Manabat-Mocorro
Isa na nga dito si Renato Manabat na sa edad na 60 ay nakamit ang pangarap na makapasa sa Electrical Engineering Licensure Exam ngayon lang September 2022. Samantala, pangatlo na ito sa mga naipasang exam ni Mang Renato dahil pasado rin siya sa nakaraang Master Plumber Licensure Exam ngayon ring tao at pati na rin sa Master Electrician exam noong taong 2017.
Image Source: Darren Anne Manabat-Mocorro
Talaga namang kamangha-mangha ang angking abilididad at determinasyon ni Mang Renato na masungkit ang lisensya sa iba’t ibang larangan ng pagiging isang electrician.
Kung tutuusin ay pwede namang hindi siya mag-aral dahil maayos na rin ang kalagayan nila sa buhay at sa katunayan ay mayroon pang sariling construction business, hotel apartments at farms. Kahit nga ang kaniyang mga anak ay mayroon na ring magagandang trabaho at pare-parehong nakapasa sa board exam.
Image Source: Darren Anne Manabat-Mocorro
Isa na dito si Daren Anne na nagtatrabaho bilang electronics engineer at pasado rin sa electronics technician board. Si Dorina naman ay biology graduate at ngayon ay isa ng doktor. Samantala, si Diane naman licensed certified public accountant at si Renz ay licensed architect. Ang bunso naman nilang si Rich Emerson ay kasalukuyang nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong may kinalaman sa mechanical engineering at nag-aaral sa De La Salle Dasmariñas.
Image Source: Darren Anne Manabat-Mocorro
Noong highschool pa lang ay pangarap na ni Mang Renato na maging isang successful engineer ngunit dahil sa hirap ng buhay ay ilang beses ring nahadlangan ang pagtatapos niya sa pag-aaral. Kaya naman sa kabila ng magandang estado sa buhay ngayon ay hindi siya napigilan na ipagpatuloy ang pagkamit sa kaniyang pangarap sa kabila ng kaniyang edad. At dahil nga dito ay naging inspirasyon siya sa kaniyang mga apo pati na rin sa mga netizens na nakarinig ng kaniyang kwento.
+ There are no comments
Add yours