Girls,ito ang mga Pitong Rason Kung Bakit Minsan ay Mabaho ang Inyong Pribadong Parte


Ang v@gina ng bawat indibidwal na kababaihan ay mayroong kanya-kanyang natural na amoy at mayroon din itong natural na bacteria na namamahay rito na kung saan maaaring maging hindi kaaya-aya dahil sa overgrowth. Sa mas partikular na pagtukoy, ito ay tinatawag na “bacterial vaginosis” na kung saan ito ay ang dahilan upang ang pribadong parte ng babae ay mas hindi nagig ing kaaya-aya ang amoy o malansa.

Palaging tandaan na hindi lahat ng v@gina na may amoy ay isang sinyales ng impeksyon kundi dahil baka na rin sa kawalan ng hygiene o kaya nagsusuot ng sobrang sikip na underwear.




Ito ang mga rason kung bakit ang inyong pribadong parte ay mabaho ang amoy:

1. Spicy foods

Ang mga pagkain na iyong kinakain ay maaaring makaapekto sa amoy ng iyong pribadong parte lalo na kung ang iyong madalas na kinakain ay maaanhang. Ang mga spicy food na iyong kinokonsumo ay nakakadagdag sa patuloy na paglabas ng discharge, kaya naman ito ay gumagawa ng masamang amoy.

2.  Pagtulog sa gabi na may kasuutang pang-ilalim (underwear)

Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog sa gabi na walang suot na underwear ay may kakayahan na hayaang mas makahinga ng maayos ang pribadong parte upang maiwas ito sa pagkakulob na nagreresulta ng amoy na mabaho.




3. Laundry detergents and soap

Importante na ang produkto na ginagamit sa paglaba ay detergent na walang halong perfume o fabric conditioners dahil maaaring magdulot ito ng pagkairritate ng iyong pribadong parte na nagreresulta sa mabahong amoy. Gumamit ng hiwalay na detergent soap sa tuwing ikaw ay maglalaba ng iyong underwear.

4. Pregnancy

Ang isang nagdadalang-tao na babae ay naipapasa ang mga bitamina at mineral galing sa kanyang katawan patungo sa kanyang sanggol na dinadala, kaya naman nababawasan ang kanyan pH level na nagreresulta sa pagkabaho ng amoy. Ang pH level ang nagpapanatili sa ari ng isang babae upang maging malusog.

5. Pakikipagtalik




Isang importanteng bagay na kailangan mong gawin matapos makipagtalik sa iyong kapartner ay ang maghugas ng iyong pribadong parte dahil kung hindi mo ito huhugasan mananatili dito ang napakaraming bacteria na magdudulot ng mabahong amoy.

6. Labis-labis na paghugas

Ang hygiene sa ating pribadong parte ay isa sa pinaka-kailangang gawain ngunit kung ang paraan ng iyong paghugas ay sobra-sobra at hindi na wasto, maaaring mapinsala ang tinatawag na “v@gina’s flora” kaya ito ay magdudulot ng hindi kaaya-ayang amoy.

7. Allergy to c*ndoms

Ang mga proteksyon na goma ay nagtataglay ng mga kemikal o materyal na hypoallergenic. Dahil dito, mas mamumuhay ang mga bacteria sa pribadong parte at dito na magiging mabaho ito.




+ There are no comments

Add yours