Ang tahanan ng pamilyang ito ay nasa TreeHouse na labis namang pinangambahan ng mga netizens na nakakita


Ang ‘treehouse’ ay isa sa mga karaniwang uri ng bahay na matatagpuan dito sa Pilipinas. Noong unang panahon, itinayo ang mga bahay na ito upang makaiwas sa mga mababangis na hayop.


Image courtesy: Google/For Reference Only



Ngunit sa panahon ngayon, ginagamit na lamang ang mga ‘treehouse’ bilang mga tambayan o pahingahan dahil mas presko nga naman ang manatili rito. Pero mayroon din na kaya sila nagtatayo ng bahay sa itaas ng puno ay para mas makamura sa mga materyales sa pagpapagawa ng tunay na bahay.


Image courtesy: Google/For Reference Only

Samantala, labis na pinangambahan ng mga netizens ang isang pamilya ito na nakatira sa isang treehouse sa Greenland Farm sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City ayon sa ulat ng Philippine Star.


Photo Courtesy: Philippine Star / Entertainment Website

Makikita na nakadungaw pa ang ilang mga bata mula sa itaas. Ang nasabing treehouse ay gawa lamang sa mga pinagtagpi-tagping mga kahoy at mayroon itong bubong na yari sa tarpaulin. Hindi naman nabanggit ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ang pamilyang ito.


Photo Courtesy: Philippine Star / Entertainment Website



Sa mga nagdaang mga bagyo kasi, nakakatakot na ang tumira sa ganitong uri ng bahay lalo na’t mukhang mahina ang pundasyon nito. Ang mga netizens na nagkomento ay may halong pag-aalala para sa pamilyang nakatira rito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento,

“Maganda ang tree house pero may kaakibat na panganib”- Clark Davis Negro Buenavista

“Nakupo, kawawa pag natumba ang puno. Parang maliit lang ang katawan ng puno eh!”- Caroline Hernandez

“Parang di matibay yong puno na pinaglagyan. Wipeout yan pag bumagyo.”- Michael Cuevas

“This is risky during lightnings, trees can easily explode.”- LJ SA

“Pati puno sinakop na. Baka gayahin ng ibang informal settlers.”- Alexia Cheng

“Wala ng lupa matirikan sa puno walang may ari onle en da pelepens.”- Carol Cruz Pacis

Komento ng isang netizen na safe raw ito sa baha ngunit paano naman kaya kapag malalakas ang hangin. Kung kayo, titira ba kayo sa isang treehouse? ito.



+ There are no comments

Add yours