Heart Evangelista, matapang na ibinahagi ang kaniyang hirap at mahapdi na karanasan sa pagsasagawa ng IVF


Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sariling anak at isa nga ito sa mga pangarap ng karamihan sa mga kababaihan. Ngunit sa hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magdalantao sa natural na paraan at salamat nalang dahil sa panahon ngayon ay marami ng paraan at teknolohiya ang pwedeng gawin para magkaroon ng anak.

Isa na nga dito ang tinatawag na IVF o In vitro fertilization na pinaka-sikat ngayon sa talaga namang gusto ng makaroon ng anak. Sa paraang ito ay maaring mamili ang mga magulang kung babae ba o lalaki ang gusto nilang maging supling.


Image Source: Heart Evangelista | Instagram




Sa isang interview ng L’Officiel Philippinespara sa kanilang September issue at matapang na ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang naging karanasan niya sa IVF.

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process.”, pagbabahagi ng aktres.


Image Source: Heart Evangelista | Instagram

Hindi nabanggit ng aktres kung kailan siya sumailalim sa nasabing proseso ngunit aminado si Heart na hindi naging madali ang lahat at isa nga ito sa pinaka-mahirap na pinagdaanan niya. Dahil nga dito at sa nakaraang karanasan sa pagkawala ng kaniyang sanggol sa sinapupunan ay muli siyang napa-isip kung para ba talaga sa kaniya ang pagiging isang ina o handa na ba talaga siya na magkaroon ng anak?





Image Source: Heart Evangelista | Instagram

Ganoon pa man, naniniwala si Heart na ang mahalaga sa ngayon ay ang pagkakaroon niya ng control sa kaniyang sariling katawan at para nga sa aktres ito ang isa sa dapat matutunan ngayon ng mga kababaihan.

“I feel that this alone is changing me as a person. I’m standing up for myself. It’s liberating to decide according to what I want and not what other people want.”, dagdag pa ni Heart.


Image Source: Heart Evangelista | Instagram

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang aktres sa paglipad abroad para sa sunod-sunod na trabaho sa fashion show at kasalukuyan pa ring nasa Europa. Dahil dito napabalitang mayroon din siyang plano na bumili ng apartment sa Paris.

Samantala, maugong pa rin ang balita tungkol sa hiwalayan nila ng dating Senator na si Chiz Escudero ngunit nanatiling tikom ang bibig nilang dalawa tungkol sa nasabing isyu.




+ There are no comments

Add yours