Laking tuwa ni Angelica Panganiban dahil sa dami ng pinadalang regalo ng kaniyang kaibigan na si Kim Chiu na puro gamit ng baby


Hindi matatawaran ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at Kim Chiu kasama na rin ang aktres na si Bella Padilla. Sa dinami-dami nga ng mga kaibigan nilang artista ay talaga namang nag-click ang personalidad ng tatlo at nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay. Sa katunayan, gumawa pa sila ng pangalan para sa kanilang pagkakaibigan at ito ay “AngBeKi” na pinagsamang pangalan nina Ange, Bella at Kim.


Image Source: Kim Chiu | Instagram




Parang tunay na magkakapatid ang turingan ng tatlo at kahit na hindi sila gaanong nagkikita ay talaga namang naipaparamdam nila sa isa’t isa kung gaano sila ka-espesyal. At ngayon nga na buntis na si Angelica ay extra special ang treatment sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan tulad nalang ni Kim Chiu na hindi nga raw magpapakabog sa pagbibigay ng regalo sa kaniyang soon-to-be inaanak.


Image Source: Kim Chiu | Instagram

Sa mismong Instagram story ng aktres ay ipinakita niya ang napakaraming gamit ng bata na ipinadala ni Kim sa kanilang bahay. Ilan sa mga ito ang damit pambahay, dress, sapatos, medyas, sumbrero at headband. Syempre hindi rin mawawala ang ilang baby needs kagaya ng baby carrier.


Image Source: Angelica Panganiban | Instagram




“Grabe yung Ninang Kimmy. Hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya ‘yung napag-iiwanan siya”, kwento ng aktres. Literal na nagulat si Ange dahil hindi niya akalain na ganoon kadami ang regalo ni Kimmy. Kaya naman bilang pasasalamat ay gumawa siya ng isang nakaka-aliw na video.

Nabanggit nga ng aktres na para bang kukunin ng kaibigan ang kaniyang anak dahil sa dami ng mga gamit ng bata ay para bang si Kim Chiu ang magiging nanay nito. “Parang kinakabahan ako. Parang ipinabitbit lang sa sinupupunan ko ang bata. Parang kukunin po niya sa dami po ng kaniyang ipinadala. Baby mo ba ito, Momsy?”, banggit ni Mommy Ange.


Image Source: Angelica Panganiban | Instagram

Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang aktres dahil mayroon siyang kaibigan na kagaya ni Kim at super thankful sila ng kaniyang partner na si Gregg Homan dahil maraming tao ang nagmamahal sa kanilang anak.




+ There are no comments

Add yours