Malaking problema ang kinaharap ni Ryza Cenon sa kanilang bahay matapos umabot ng mahigit isang daang libong piso ang kanilang waterbill


Kagaya ng karamihan sa ating mga kababayan, nawindang din ang dating StarStuck survivor na si Ryza Cenon sa biglaang pagtaas ng kaniyang water bill. Hindi makapaniwala ang aktres na umabot sa mahigit 120,000 ang total bill nila sa tubig para sa isang buwan lang.


Image Source: Ryza Cenon | Instagram




Dahil nga sa pagka-dismaya ay agad niya itong ibinahagi sa social media at hindi nag-atubiling i-mention ang Maynilad. Umaasa si Ryza na sana ay mapansin siya ng nasabing water provider at agad na ma-solusyunan ang problema sa kaniyang bayarin.

“Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki-explain Maynilad Water Services, Inc.”, pahayag nito.


Image Source: Ryza Cenon | Instagram

Makalipas ang ilang araw ay nag-reply kaagad ang Maynilad at nagpadala ito ng mga tauhan para ma-imbestigahan ang linya ng tubig nina Ryza. Ayon nga sa Zone personnel mayroon ng sira sa kanilang metro na siyang dahilan kaya nagkaroon ng pagkakamali sa naging water bill reading. Napansin din nila na mayroong tagas ang tubo kaya agad nila itong pinalitan.


Image Source: Ryza Cenon | Instagram




Kinausap rin ang aktres ng Zone Head at ipinaliwanag sa kaniya na dahil worn-out na ang kanilang metro at mayroon pang tagas sa tubo ay automatic na kung ano ang naging average bill nila ng nakaraang buwan ay iyon lang din ang sisingilin sa kanila. Dahil dito ay super happy si Ryza dahil mula sa 120k water bill ay bumaba ito at naging 2k plus nalang.


Image Source: Ryza Cenon | Instagram

Samantala, maraming netizens naman ang naka-relate sa sitwasyon ng aktres at ang iba sa kanila ay natuwa dahil na-solusyunan ang paglobo ng kanilang water bill. Napabilib rin sila sa maagap at mabilis na pag-aksyon ng Maynilad sa reklamo ng kanilang mga customer. Ngunit sa kabilang banda, mayroon naman tayong mga kababayan na noong nagkaroon ng leak ang kanilang tubo ay napabayad pa rin ng malaki sa Maynilad.




+ There are no comments

Add yours