
“Bean Waiting For You All My Life” Ito ang maikling pagbabahagi ni Angelica Panganiban nang ipanganak niya ang kauna-unahang anak
Matapos ang siyam na buwang paghihintay at pananabik, sa wakas ay isinilang na ng aktres na si Angelica Panganiban ang kauna-unahan nilang anak ng partner na si Gregg Homan. Ipinanganak ang sanggol noong September 20 at binigyan nila ito ng napaka-gandang pangalan na Amila Sabine.
Isa na ngang ganap na Mommy si Angelica at super excited na siyang alagaan ang napaka-cute nilang baby girl. Agad namang ibinahagi ng aktres ang kaniyang kasiyahan sa mga netizens at bahagyang ipinasilip ang mukha ng anak sa kaniyang Instagram post.
Image Source: Angelica Panganiban | Instagram
“Bean waiting for you all my life”, caption nito.
Image Source: Angelica Panganiban | Instagram
Marami ang naintriga sa kakaibang mata ni Sabine na tila ba kulay gray ang kulay. Kapansin-pansin rin ang kaniyang kilay at sa unang sulyap pa lang ay masasabi mo ng mayroon itong dugong-bughaw. Dahil nga dito ay mas lalo pang naging excited ang mga netizens na makita at masubaybayan ang paglaki ng “mini-me” ng aktres.
Image Source: Angelica Panganiban | Instagram
Samu’t saring pagbati naman ang natanggap nila mula sa mga netizens at ilan na nga dito ang pinaamalalapit nilang kaibigan kagaya ni Kim Chiu, Camille Prats at Janine Gutierrez.
“OMG!!!!! Ayan na sha!!!!! congratulations momsy!!!!!! hello queen B!!!!!!”, komento ni Kim.
Malaking tulong nga ang mga mensaheng ito sa recovery ni Angelica na ngayon ay aminado na dumadaan sa tinatawag na “post partum syndrome” kung saan nagkakaroon siya madalas ng mood swings.
Image Source: Angelica Panganiban | Instagram
Samantala, tuwang-tuwa naman ang celebrity mom dahil bumisita sa hospital ang matalik niyang kaibigan na si Judy Ann Santos kasama ang anak nitong si Luna. Nagdala sila ng pasalubong at regalo para kay Mommy Ange at Baby Sabine tulad nalang ng ice-cream at Minnie Mouse doll.
Sigurado ngang magiging isang mabuting ina si Angelica lalo na at napapaligiran siya ng mga tao na talaga namang handang sumuporta sa kaniyang journey bilang bagong mommy.
+ There are no comments
Add yours