
“It took 37 years,” ang dating aktres na si Donita Rose At Nelson Palad ay ikinasal na
Ganap na ngang Mrs. Palad ang dating aktres na si Donita Rose at matapos ang ilang dekadang paghihintay ay tuluyan na niyang nahanap si “Mr.Right” sa katauhan ni Nelson Palad, 37-year-old US-based Filipino singer.
Image Source: Donita Rose | Instagram
Ikinasal ang dalawa noong September 24 sa San Clemente, California at dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Image Source: Donita Rose | Instagram
Nahanap nga ng actress-turned-chef ang kaniyang forever kay Nelson na nakilala niya sa Amerika noong taong 2020. Malaki ang naging bahagi nito para mas lalo niyang maunawaan ang mga nangyayari sa kaniyang buhay at masaya si Donita dahil maliban sa pogi ay God-fearing din na tao si Nelson.
Image Source: Donita Rose | Instagram
Unang nakita ng aktres si Nelson sa isang Youtube episode ng kanilang common friend sa Los Angeles at noon pa lang ay iba na ang naramdaman niya. Sa katunayan, nanalangin siya sa Panginoon na sana ang ibigay sa kaniya na makakasama niya habang buhay ay kagaya ng mga katangian ni Nelson.
Image Source: Donita Rose | Instagram
“Si Felson ang ipinakita. Nag-pray ako kay Lord, ‘Lord, ganyan ang gusto ko.'”,kwento ng dating aktres.
Image Source: Donita Rose | Instagram
Halos hindi nga makapaniwala ang dating aktres dahil mismong si Nelson talaga ang ibinigay sa kaniya ng Panginoon at sa unang pagkikita pa lang nila ay talaga namang nakita niya kung gaano ito kabuting tao.
“Alam niyo ba na the first date, he picked me up and then he dropped me at the house at the end?”, dagdag pa ni Donita.
Image Source: Donita Rose | Instagram
Samantala, hindi maikakaila ang malayong agwat ng kanilang edad ngunit hindi ito naging hadlang kay Nelson para mas lalo niyang mahalin ang dating actress kahit na mayroon na rin itong anak sa dati niyang asawa.
It took 37 years”, caption ni Nelson sa kaniyang Instagram post.
Image Source: Donita Rose | Instagram
“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life and I will dwell in the house of the LORD forever”, caption ni Donita sa kaniyang ibinahaging wedding photos sa Instagram
Image Source: Donita Rose | Instagram
Aminado si Donita na sobrang saya niya sa kanilang relasyon at lubos siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil hindi pa pala huli ang lahat para maranasan niya ang pakiramdam ng mayroong tunay na nagmamahal.
+ There are no comments
Add yours