Kilalanin Si Odette Ricasa, ang senior citizen na sa edad na pitongpu’t pito ay nalibot na ang lahat ng bansa sa mundo


Tunay ngang masaya ang pamamasyal at pagbisita sa iba’t ibang lugar lalo na kung bago sayo ang lahat ng iyong makikita. Ayon nga sa mga eksperto ang pag-travel at pagkakaroon ng mga bagong experience ay talaga namang nakakatulong upang mapanatiling maganda ang ating kalusugan. Kaya naman hindi nakakapagtaka na isa ito sa mga pangarap ng karamihan sa atin at kung gusto mo ngang mag-travel around the world, dapat mong tularan si Lola Odette Ricasa.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook





Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

Isa siya sa mga kinikilala ngayong nakalibot na nga buong mundo at nagsimula ang kaniyang adventures noong 1980 kung kailan hindi pa uso ang cellphone. Aminado si Odette na noon pa man ay hilig na niya ang papamasyal kaya naman nagdesisyon siyang seryosohin ito kahit na wala siyang hawak na malaking pera.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

“Pagkagusto mo talagang makita ang mundo, gagawan mo lahat ng paraan”, kwento nito.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

Sa katunayan, noong una daw siyang nagpunta ng Amerika ay 50 dollars lang ang kaniyang dalang pera at pagkalapag ng abroad ay agad siyang naghanap ng trabaho para makapag-ipon ulit sa mga susunod niyang byahe.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook





Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

Hindi nga pinanghinaan ng loob si Odette kahit na mayroon siyang mga hindi magandang karanasan sa kaniyang paglalakbay at dahil nga desidido siyang malibot ang buong mundo, halos 80 percent ng kaniyang travel ay solo lang siya.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

Ganoon pa man, hindi matatawaran ang kaniyang mga nakolektang memories at mga nakilalang kaibigan sa kaniyang halos 40 years na paglalabay at lahat ng ito ay isinulat niya sa kaniyang notebook.


Photo Courtesy: Odette Ricasa | Facebook

“Kung hindi ko sinulat iyan nalimutan ko na. Kasi 1980 wala pang cellphone, wala pa yung mga camera na ganyan”, dagdag pa nito.




+ There are no comments

Add yours