
Tatlumpu’t tatlong taong gulang na estudyante, nakapagpatayo ng sarili niyang K-pop Inspired Café
Alam natin na mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho upang mayroon tayong mapagkukunan ng pera na panggastos sa araw-araw ngunit sabi nga nila iba pa rin kapag mayroon kang sariling negosyo. Kaya naman, ngayon ay marami na sa atin ang naglalakas-loob at nagsisimulang magtayo ng kani-kaniyang negosyo depende sa kanilang maibigang gawin. Isa na dito ang estudyante na naging viral dahil sa murang edad pa lang ay alam na ang kahalagahan ng tamang paghawak ng pera.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Siya ay nakilala bilang si Given Mendoza San Miguel na ngayon ay CEO ng kaniyang sariling K-pop inspired coffee shop.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Noong nakaraang taon ay nagsimula siyang maging BTS fan at talaga namang na-inlove sa pagkolekta ng mga merchandise mula sa kaniyang favorite K-pop idols. Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nag-buy and sell ng mga produkto mula sa Korea na kaniya namang binebenta online.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Tuwang-tuwa si Given sa kaniyang ginagawa dahil sa simpleng pagbabahagi niya ng mga Kpop Merch ay kumikita na siya ng pera. Mas lalo pang lumago ang kaniyang maliit na negosyo at dahil sa ideya na ibinigay sa kaniyang ni Mommy Juvy, naisipan rin nito na magtayo ng isang coffee shop kung saan pwede niyang i-display ang kanilang collections habang nagbebenta ng masasarap na milktea at snacks.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Ayon pa sa kwento ng kaniyang ina, sa loob lang ng bahay nag-aral si Given kung papaano niya patatakbuhin ang kaniyang sariling negosyo. Sa katunayan siya na rin mismo ang nagturo sa kaniyang mga staff kung papaano ihahanda ang mga pagkain at tamang pakikitungo sa kanilang mga customer.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Samantala, all-out naman ang suporta ng buong pamilya ni Given at present silang lahat sa opening ng kaniyang Kpop-inspired café. Nandoon din ang kaniyang dalawang napaka-cute na kapatid na tumutulong para mag-abot ng flyers sa mga customer.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Dinarayo nga ang G’s Kpop Kilig coffee shop na matatagpuan sa Baguio City at ngayon ay walang ibang hangad si Given kundi ang maibigay ang pinakamagandang serbisyo sa kagaya niyang kabataan na naghahanap ng isang lugar kung saan pwede nilang ma-enjoy ang pagkain at pag-usapan ang hilig sa Kpop idols. Plano rin niyang magkaroon ng iba pang branch sa buong bansa at umaasa na balang-araw ay makakarating din ang G’s Kpop Kilig sa ibang bansa.
Image Source: G’s Kpop Kilig | Facebook
Lubos ngang nagpapasalamat si Given sa kaniyang mga magulang na naniniwala sa kaniyang kakayanan at laging sumusuporta sa mga bagay na gusto niyang gawin.
“Don’t doubt what your child can do. Believe in what your child can do. And not just believe but support them, push them harder like kung ano man passion nila.”, payo ni Mommy Juvy
+ There are no comments
Add yours