
Kalamansi Juice, isang napaka-epektibong inumin at sangkap upang mapalakas ang immune system laban sa mga kumakalat na virus
Tinagurian na ang Calamansi ay “one of the most important fruit crops grown in the Philippines” dahil isa itong pinaka common na ginagamit ng mga bawat pinoy sa mga pagkain bilang pandagdag na panlasa at sawsawan sa mga pagkain o inihahalo sa mga inumin.
Image source: Google
Subalit bukod sa sawsawan ay alam niyo ba na may ibang benepisyo ang Kalamansi lalo na sa mga taong mahihina ang Immune System?
Ang simpleng prutas na ito ay naglalaman ng Vitamin C at ibang beneficial nutrients na ginagamit bilang immune booster ng ating mga ninuno noon.
Ngunit hindi lamang iyon, ang kalamansi rin ay napaka-benepisyal para sa ating kalusugan dahil mayaman din ito sa potassium, calcium at antioxidants.
Image source: Google
Narito ang walong benefits ng Calamansi at kung ano ang magandang dulot nito sa ating katawan kung isasama natin sa pangaraw-araw na diyeta lalo na sa mga taong mahina ang immune system.
Narito ang Limang benepisyo sa pag-inom ng kalamansi juice:
1. Nakapagpapalakas ng immunity
Image source: Google
Kilala ang kalamansi na nagtataglay ng mataas na lebel ng Vitamin C. Ito rin ay may nilalaman na antioxidants at antibacterial kung saan nakatutulong upang maiwasan ang negatibong epekto ng free radicals sa ating katawan. Sa regular na pagkonsumo ng pure kalamansi juice ay maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng sipon, ubo o di kaya lagnat lalo na sa panahon na uso ang Flu Virus.
2. Para sa mataas na kolesterol
Image source: Google
Ayon sa mga pag-aaral pang medikal napag-alaman na ang katas ng kalamansi ay may kakayahang mapababa ang lebel ng kolesterol sa ating katawan. Kaya naman upang mapanatiling nasa normal ang lebel nito inumin ang katas ng kalamansi araw-araw. Nakabubuti rin ito sa ating kalusugan para maiwasan ang atake sa puso.
3. Makontrol ang diabetes
Image source: Google
Napag-alaman ng mga dalubhasa na ang kalamansi juice ay may kakayahang makontrol ang asukal sa ating dugo. Kaya sa mga taong nakakaranas ng diabetes o di kaya gustong maiwasan ang pagdebelop ng karamdamang ito ay mainam na uminom ng katas ng kalamasi araw-araw para matutungan nito ang katawan na makontrol ang paglabas ng insulin at glucose sa ating dugo.
4. Bumuti ang kalusugan ng panghinga
Image source: Google
Ang plemang hindi mailabas ay nagdudulot ng kahirapan sa ating paghinga. Ngunit sa pamamagitan ng kalamnsi juice ay magiginhawaan ang ating pakiramdam dahil ang kalamansi ay nagtataglay ng citric acid na may kakayahang mailabas ang plema at uhog sa ating katawan. Gayon giginhawa na ang ating lalamunan pati na rin ang ating paghinga.
5. Maayos na produksyon ng collagen
Sa pagkonsumo ng tamang dami ng bitamina C mapapalakas nito ang produksyon ng collagen sa ating katawan. At ang collagen ay kailangan ng katawan sa pagbuo ng tissue, muscle fiber at cell. Ngayon alam naman natin na ang kalamansi ay nagtataglay ng mataas na lebel ng bitamina C. Gayon uminom ng kalamansi juice upang mapalakas ang produksyon ng collagen sa ating katawan.
+ There are no comments
Add yours