
Ito ang limang napakadaling paraan upang mas mapabilis ang pagbaba ng inyong blood pressure
Ang pagtaas ng presyon ay sadyang nakakabahala. Minsan kahit na ikaw ay malusog, maaari mo pa rin itong maranasan dahil sa napakaraming factors na maaaring makapagdulot nito tulad ng stress, kakulangan sa tulog o physical activity.
Samantala, hindi agad-agad ay kailangan mong uminom ng gamot kung hindi ka naman talaga hypertensive. Sa halip, mayroong mga simple at madaling paraan para mapababa mo ito sa loob ng ilang minuto at magbalik sa normal ang iyong presyon. Narito at alamin.
1. Uminom ng 2 basong tubig
Photo Courtesy: Google
Sa ilang mga pagkakataon, ang biglang pagtaas ng presyon ay dahil sa kakulangan ng tubig sa katawan. Kapag ang iyong katawan ay dehydrated, ang volume ng dugo sa iyong katawan ay tumataas at ang iyong presyon ay tumataas din.
Kaya kung pakiramdam mo ay tumataas na ang iyong presyon ay uminom ay uminom na agad ng tubig.
2. I-masahe ang iyong tenga at leeg
Photo Courtesy: Google
Ang pagmamasahe sa tatlong spots na ito na matatagpuan sa iyong earlobe (point 1), gitna ng collarbone (point 2) at sa cheekbone (point 3) ay makakatulong upang guminhawa ang tensyon sa iyong muscles sa leeg at mabalik ang daloy ng dugo sa iyong utak.
Gamit ang iyong daliri ay imasahe ang point 1 to point 2 ng dahan dahan pataas at pababa. Pagkatapos ay imasahe rin ng paikot ang point 3 sa loob ng isang minuto.
3. Humiga ng diresto
Photo Courtesy: Google
Ang paghiga ng nakatihaya at diretso ay makakatulong sa pagbabalik ng balanse sa iyong utak gayundin sa pagpapababa ng iyong presyon. Humiga sa iyong likod. Ipikit ang iyong mga mata at irelax ang iyong buong katawan. Gawin ito sa loob ng 15 minuto.
4. Ibabad ang paa sa mainit na tubig at maglagay ng ice pack sa batok
Photo Courtesy: Google
Ang paraan na ito ay makakatulong upang malihis ang daloy ng dugo sa iyong ulo papunta sa iyong paa upang bumalik sa normal ang iyong presyon.
Kumuha ng palanggana at lagyan ng mainit na tubig. Umupo sa isang bangkito saka ilagay ang ice pack sa iyong batok. Ilagay ang iyong kamay at paa sa palangganang may mainit na tubig sa loob ng 10-15 minuto,
5. Subukan ang acupressure
Photo Courtesy: Google
Ang dalawang pressure points na ito sa iyong batok ay mabisa upang mapababa ang tensyon sa iyong batok at mapababa ang iyong presyon. Mag-apply lamang ng medium steady pressure sa dalawang points na ito sa loob ng isang minuto. Mainam na gamitin ang iyong hinlalaki.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
+ There are no comments
Add yours