Ito ang limang prutas na labis na nakakatulong upang mapababa ang Uric Acid at maiwasan ang Gout


Ang mataas na lebel ng uric acid sa katawan ay nauuwi sa pagkakaroon ng gout, isang uri ng arthritis na kung saan nagkakaroon ng mga uri acid crystals sa mga joints. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at tamang pagpili ng mga pagkaing kinakain ay makakatulong upang maiwasan ang gout.




Ang pagkain ng low-calorie diet, puro isda, karne, at pag-inom ng a1c0h01 ay mga factors na nakakapagpataas ng uric acid. Samantala, narito ang mga prutas na dapat kainin upang mapababa ang iyong uric acid sa katawan.

1. Mansanas

Ayon nga sa kasabihan, “an apple a day keeps the doctor away.” Ang mga apples o mansanas ay mayroong taglay na malic acid na nakakapagpa-neutralize ng uric acid sa katawan. Nakakapagbigay rin ito ng ginhawa sa mga taong nakakaranas nito. Nirerekomenda na kumain ng isang mansanas kada araw.

2. Citrus fruits

Ang mga citrus fruits tulad na oranges, lemons at lime ay naglalaman ng mataas na content ng vitamin C na magandang kainin ng mga taong may mataas na uric acid. Ang vitamin C kasi ay napatunayang may kakayahang pababain ang mataas na lebel ng kemikal na ito.

3. Saging

Ang saging ay benepisyal sa pagpapababa ng uric acid level. Ang pagkain ng saging araw-araw ay nakakatulong bawasan ang implamasyon at pamamaga ng mga joints na dulot ng gout at iba pang uri ng arthritis.



4. Strawberry

Ang prutas na ito ay nagtataglay ng napakaraming antioxidants at vitamin C. Isa ito sa mga best na prutas na dapat kainin ng mga taong may mataas na uric acid dahil sa kakayahan nitong i-neutralize ang mga chemical compounds sa katawan. Maaari itong kainin ng direkta o gawing shake o smoothie.

5. Cherry

Ang cherry ay may taglay na anti-inflammatory substance na anthocyanin na benepisyal sa pagpapababa ng uric acid levels. Pinahihintulutan nito ang pagtigas ng uric acid o pagbuo ng mga uric acid crystals sa mga joints. Nakakapagpa-neutralize ito ng acids na nakakatulong sa pag-iwas ng implamasyon at pananak!t.

Paalala na mas mabuti pa ring ikonsulta sa doktor ang anumang karamdaman sa gout upang agad na maagapan.






+ There are no comments

Add yours